-- ADVERTISEMENT --

Sinampahan na ng kasong Frustrated Murder at Frustrated Homicide ang isang dayuhang suspek na responsable sa pamamaril sa isang pulis at isang tricycle driver noong Agosto 5, 2025 sa Purok Malipayon, Barangay Labangal, General Santos City.

Ayon sa paunang imbestigasyon, habang tinutulungan ng pulis ang suspek patungong terminal bandang alas-12:15 ng tanghali, bigla nitong inagaw ang baril ng alagad ng batas at nagpaputok. Tinamaan sa insidente ang isang tricycle driver at mismong pulis na tumutulong sa kanya.

Sa kabila ng banta, agad na rumesponde ang mga duty patrol mula sa Police Station 2 – GSCPO, dahilan upang mabilis na maaresto ang suspek. Agad din siyang dinala sa pagamutan para sa kinakailangang lunas, habang narekober naman ang baril ng pulis at ibinalik sa kustodiya ng istasyon.

Mabilis na isinagawa ng SOCO ang crime scene processing upang makalap ang ebidensya na magsisilbing suporta sa mga kasong isasampa laban sa suspek.