Naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Koronadal City Police Station ang isang guro sa Purok Sulatre, Brgy. Zone 3, Koronadal City, South Cotabato nito lamang Disyembre 19, taong kasalukuyan.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Hoover Tapang Antonio, Hepe ng Koronadal City Police Station, ang arestadong guro na si alyas “John”, 36-anyos, tinuturing na High Value Individual, at residente ng Brgy. Zone IV, Koronadal City, South Cotabato.
Nakuha mula sa suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at iba pang non-drug item.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Matagumpay ang operasyon na pinangunahan ng Koronadal City Police Station, City Police Drug Enforcement Unit at South Cotabato Police Provincial Office, PDEU, kasama iba pang intel operative’s ng SCPPO at Police Regional Office 12.