-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY-Patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang apat na kalalakihan na umano’y grupo ng isang Musa Dandi matapos na paulanan ng bala ang mag-amang Rolando Mamoso Sr at Jr. habang nagtatanim sa kanilang farm lot sa bahagi ng Bukay Pait, Tantangan, South Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PO2 Noel Tuban ng Tantangan PNP, sinabi nito na agad nakaresponde ang mga pulis at sundalo dahil may detachment hindi kalayuan sa lugar.

Ngunit imbes na sumuko, nanlaban umano ang apat na mga suspek at pinaputukan ang mga otoridad gamit ang m14 rifle at mabilis na tumakas.

Sa imbestigasyon, rido ng dalawang pamilya ang dahilan ng pamamaril sa mga Mamoso dahil sa matagal nang agawan ng lupa na na award na sa mga Mamoso.

Nagtamo naman ng tama bala si Mamoso Sr. at sa ngayon nagpapagaling na sa bahay pagamutan.

Disedido naman umano itong magsampa ng kaso laban sa mga suspek.