-- ADVERTISEMENT --
Hindi bababa sa 12 katao ang nasawi matapos bumagsak ang isang eroplano malapit sa Butler Memorial Airport sa lungsod ng Butler, Missouri nitong Linggo.
Ayon sa Missouri State Highway Patrol, ang bumagsak na aircraft ay may sakay na 11 skydivers at ang piloto. Sa paunang imbestigasyon, walang nakaligtas sa insidente.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano habang nagpapatuloy ang recovery at investigation efforts sa lugar.
Ang Butler ay matatagpuan humigit-kumulang 60 milya timog ng Kansas City, kung saan nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa mga pamilya ng mga biktima.













