Umabot sa 1.43 milyong estudyante mula sa 12,874 paaralan sa anim na lalawigan ng Indonesia ang lumipat sa distance learning dahil sa mapanganib na antas ng air pollution dulot ng forest at land fires.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Riau, Jambi, South Sumatra, West Kalimantan, Central Kalimantan at South Kalimantan. Pinakamarami ang nasa West Kalimantan, na may mahigit 1.1 milyong estudyante.
Nagsimula ang online classes noong Agosto 31 at nakatakdang tumagal hanggang Setyembre 4, habang regular na mino-monitor ng mga awtoridad ang air quality.
Awtomatikong ipinapatupad ang distance learning kapag lumampas sa 200 ang Air Pollution Standard Index. Sa ilang lugar sa Kalimantan, lumampas pa sa 1,000 ang reading, kabilang ang 1,023 sa Southeast Pontianak, na maituturing na hazardous sa kalusugan.
Tinatayang 200,000 ektarya na ng lupain ang natupok ng wildfire sa Indonesia sa unang pitong buwan ng taon.













