-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng Malacañang Palace na hindi matutuloy ang nakatakdang pagpupulong ngayong araw ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC sa pagitan ni Ferdinand Marcos Jr. at mga mambabatas.

Ayon kay Claire Castro, wala siyang natanggap na paliwanag kaugnay ng kanselasyon at tanging nalaman lamang niya na hindi kabilang sa schedule ng Pangulo ang naturang pulong.

Nauna namang sinabi ni Alan Peter Cayetano noong nakaraang linggo na tinawagan siya ng Department of Economy, Planning, and Development o DepDev, na nagsisilbing council secretariat, upang tanungin kung pabor siyang ituloy ang LEDAC meeting.

Karaniwang pinag-uusapan sa LEDAC meeting ang mga prayoridad na panukala at hakbang ng Executive branch.

Samantala, tuloy naman ngayong umaga ang UPLIFT meeting sa Palasyo na pangungunahan ni Pangulong Marcos.