-- ADVERTISEMENT --
Ipinahayag ni US President Donald Trump na hindi siya nababahala anuman ang maging resulta ng pakikipag-usap ng Estados Unidos sa Iran.
Ayon sa kanya, magkaroon man o wala ng kasunduan, ang mahalaga ay nanaig umano ang US sa digmaan. Ipinagmalaki rin niya na mas nangingibabaw ang kanilang lakas-militar kumpara sa Iran.
Matatandaang isinasagawa sa Pakistan ang pag-uusap ng mga opisyal ng Iran at US na layong tuluyan nang wakasan ang alitan.
Ilang beses na rin umanong nagbigay ng ultimatum si Trump sa Iran na tumugon sa alok na peace deal upang maiwasan ang lalo pang paglala ng tensyon at labanan.













