KORONADAL CITY – Pormal nang sinampahan ng kaso ang estudyanteng pumatay sa kanyang kapwa estudyante sa loob ng comfort room (CR) ng Marvelous College of Technology- Koronadal City kung saan nag-aaral ang mga ito.
Inihayag ni P/Supt. Barney Condes, hepe ng Koronadal City PNP, ang kasong isinampa laban sa suspek na si Peter John Lacro residente ng San Felipe Tantangan, South Cotabato ay rape with homicide dahil nakumpirma sa autopsy na ginahasa nito ang biktimang si
, 19-anyos, na taga Brgy. Improgo Banga, South Cotabato bago pinatay.
Napag-alaman na nagtamo ng malalang head injury ang biktima na siyang itinuturong dahilan sa kanyang pagkamatay matapos na iniuntog ng suspek ang ulo nito sa pader.
Ayon sa interrogation ng pulisya sa suspek bago umano nangyari ang insidente kahapon humithit ito ng shabu sa kanilang bahay at pagdating sa paaralan uminom pa ito ng beer dahilan na malakas na ang kanyang tama na nagpalakas sa kanyang loob upang gawin ang krimen.
Inihayag ni Condes nagsisi umano ito sa kanyang nagawa subalit hindi na nito maibabalik ang nangyari.
Dahilan na nais ng opisyal na maging halimbawa ang nangyari para sa lahat dahil makikita ang hindi magandang epekto ng iligal na droga sa isip ng gumagamit nito.
Napag-alaman na paiba-iba ang statement ng suspek tungkol sa relasyon nila ng biktima kung saan unang sinabi nito na magkasintahan sila ngunit sa huli ay binawi nito kasunod rin ng pagtanggi ng pamilya ni Angela na nobyo nito si Lacro.
Para sa karagdagang balita at impormasyon makinig sa BOMBO RADYO KORONADAL 1026khz (AM STATION) sa inyong mga radyo o sa live streaming via
www.bomboradyo.com/am-stations/koronadal