Itinakda ng Senado ang whole-day impeachment hearings sa Oktubre 1, 2, 5, 6, 7, 8, 9, 12, 13, 14 at 15 upang tapusin ang presentasyon ng ebidensya ng prosekusyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senator Miguel Zubiri, target na matapos ang prosecution presentation pagsapit ng Oktubre 15. Kasabay nito, pinag-aaralan umano ng prosecution team ang posibilidad na alisin ang Article 3 na may kaugnayan sa bribery and corruption.
Pagkatapos ng prosecution, inaasahang sisimulan ang paglalahad ng panig ng depensa sa Nobyembre. Gayunman, hindi na whole-day ang mga pagdinig dahil balik-regular session na ang Senado.
Maaari ring pansamantalang maantala ang impeachment proceedings kapag nagsimula na ang deliberasyon sa pambansang badyet, dahil magiging prayoridad muna ng Senado ang budget hearings bago ipagpatuloy ang paglilitis.













