-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring pamamaril-patay sa isang pulis na naka distino sa RMFB 1201ST, 2ND Platoon sa Purok Mapagmahal, Agan Greenville, Barangay Baluan, General Santos City.

Kinilala ang nasawing pulis na si Patrolman Jobert Horcerada Moremonte, 29 anyos, residente ng Bo. Obrero Santa Cruz, Dadiangas North, General Santos City.

Ayon sa PRO 12 Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ang biktima na siyang sanhi ng kanyang kamatayan.

Batay sa imbestigasyon, tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ng mga residente sa lugar.

Ngunit may ilang nakapansin umano na bago pa man ang narinig nilang putok ng baril ay may ka komprontasyon ang biktima.

At makalipas pa ang ilang minuto matapos ang narinig na putok ng baril dito na napansin ang nakahigang bangkay ng lalaki.

Na recover ng SOCO sa crime scene ang tatlong (3) basyo ng 9mm na baril, mga personal na gamit ng biktima at ang isang NMAX na motorsiklo na pagmamay-ari ng biktima.

Inaalam pa sa ngayon ng pulisya kung may mga CCTV malapit sa lugar para magbigay ng lead sa krimin at kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Magsasagawa din ng back tracking ang mga imbestigador para malaman kung sino ang mga huling nakasama o nakausap ng biktima bago ang pamamaril.