-- ADVERTISEMENT --

Mula sa tennis court patungo sa runway at front row—muling pinag-usapan ang Filipino tennis star na si Alex Eala matapos nitong maging bahagi ng New York Fashion Week.

Matapos ang kaniyang kampanya sa US Open, naging abala si Eala sa ilang fashion events sa New York, kabilang ang Spring/Summer 2027 show kung saan kinatawan niya ang Pilipinas.

Hindi lamang sa runway scene naging kapansin-pansin ang Pinay tennis star dahil naupo rin siya sa front row kasama ang ilang international personalities, kabilang sina actress Sadie Sink, singer Rosalía at BTS member Jungkook.

Bago nito, nakita rin si Eala sa Museum of Modern Art sculpture garden na nakasuot ng elegante at klasikong itim na ensemble.

Ito na ang ikatlong major fashion show ni Eala sa New York Fashion Week, matapos ang iba pa niyang naging appearances bilang athlete guest.

Ibinahagi rin ng tennis star na bagama’t nakaka-excite at nakaka-nerbiyos ang kaniyang unang Fashion Week experience, nakikita niyang magkaugnay ang sports at fashion bilang paraan ng pagpapakita ng personalidad at self-expression.

Gayunman, matapos ang kaniyang fashion commitments sa New York, nakatakda nang muling ituon ni Eala ang kaniyang atensyon sa tennis para sa Singapore Open at sa nalalapit na Asian Games sa Nagoya, Japan.