-- ADVERTISEMENT --

Nanindigan ang Malacañang Palace na susunod lamang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umiiral na batas at sa prinsipyo ng rule of law kaugnay ng mga usapin na kinahaharap ni Sen. Ronald dela Rosa.

Ito ang naging tugon ni Palace Press Officer Claire Castro matapos ang naging panawagan ni Dela Rosa sa Pangulo noong nakaraang linggo na protektahan siya bilang isang mamamayang Pilipino.

Ayon kay Castro, batay umano sa komento ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema, hindi na kinakailangang dumaan pa sa lokal na hukuman ang warrant of arrest laban kay Dela Rosa.

Samantala, mariing itinanggi ni Jonvic Remulla na inedit o “spliced” ang video na inilabas ng pamahalaan kaugnay sa umano’y pag-alis ni Dela Rosa mula sa Senado.

Ayon kay Remulla, malinaw umano sa mga rekord na tatlong indibidwal ang sumakay sa isang puting SUV na nakarehistro kay Sen. Robin Padilla, base sa datos mula sa Land Transportation Office.