Nagpatupad muli ng malawakang balasahan sa hanay ng matataas na opisyal ang Philippine National Police matapos maglabas ng bagong kautusan para sa serye ng mga bagong assignment at reorganization sa ilang mahahalagang tanggapan ng ahensya.
Sa ilalim ng bagong direktiba, itinalaga bilang bagong hepe ng National Capital Region Police Office si Arnold Ibay, na dating nagsilbing deputy director ng Directorate for Education and Training (DET). Papalitan niya si Randy Arceo na inilipat naman sa Personnel Holding and Accountability Unit (PHAU).
Samantala, hahalili kay Ibay sa DET si Romeo Berango, na dati namang deputy director ng Philippine National Police Academy.
Inilipat din si Francisco Ebreo bilang bagong executive officer ng Directorate for Research and Development (DRD), kapalit ni Berango. Habang si Gonzalo Villamor Jr. ang bagong itinalagang DRD executive officer sa panibagong assignment.
Bukod dito, itinalaga rin bilang bagong commandant of cadets ng Philippine National Police Academy si Ledon Monte, na dating deputy director for operations ng Police Regional Office–Cordillera Administrative Region.
Ang naturang reshuffle ay bahagi ng patuloy na reorganisasyon ng PNP upang higit pang mapalakas ang operasyon at pamamahala sa loob ng organisasyon.







