Patuloy na tumataas ang bilang ng mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao noong Hunyo 8, 2026, batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa huling ulat ng ahensya, umabot na sa 55 ang kumpirmadong nasawi matapos ang karagdagang beripikasyon ng mga datos sa mga apektadong lugar. Tumaas din ang bilang ng mga sugatan na ngayon ay nasa 1,120.
Samantala, nananatili sa 31 ang bilang ng mga nawawala, ayon sa mga ulat ng kanilang mga kaanak at ilang testimonya mula sa mga lokal na lugar.
Ayon sa NDRRMC, patuloy pa rin ang mahigpit na monitoring sa sitwasyon habang umaabot na sa mahigit 3,000 ang naitalang aftershocks mula nang tumama ang lindol noong Lunes. Pinapaalalahanan ng ahensya ang publiko na manatiling alerto at handa sa posibleng panibagong pagyanig.













