-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Koronadal City PNP Traffic Section matapos masawi ang isang 27-anyos na massage therapist matapos na sumapok ang minamanehong motorsiklo sa concrete barrier sa National Highway, Brgy. Zone 3, Biyernes ng gabi, Pebrero 20, 2026.

Kinilala ang biktima na si William Cagas, residente ng Brgy. Maltana, Tampakan, South Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PMSGT Leo Dimaculangan, PNP Traffic Investigator ng Koronadal City PNP, sinabi nitong batay sa paunang imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang biktima habang binabaybay ang highway dahilan upang diretsong sumalpok ang kanyang motorsiklo sa sementadong harang sa gitna ng kalsada.

Dahil sa tindi ng impact, nagtamo siya ng matinding pinsala sa ulo at katawan na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Dagdag pa nito na patuloy pa nilang inaalam ang eksaktong sanhi ng insidente.

Gayunman, ayon sa kanilang datos, karamihan sa mga naitatalang aksidente sa kalsada ay dulot ng human error, tulad ng kawalan ng kontrol sa manibela, overspeeding, at iba pang pagkukulang ng mga motorista.