-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na bumabangon ang buong Mindanao matapos ang magnitude 7.8 na lindol na nagdulot ng malawakang pinsala sa mga imprastruktura at nagresulta ng paglikas ng maraming residente sa mas ligtas na lugar.


Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Regional Disaster Risk Reduction Management Coordinator Jann Earl Wendell Lope ng Department of Education Region 12, ipinaliwanag nito na ang tinatawag na “The Big One” ay tumutukoy sa mga lindol na may lakas na lampas sa magnitude 7, na maaaring magdulot ng malawakang pinsala at panganib sa publiko.


Ayon kay Lope, dapat seryosohin ng bawat pamilya, paaralan, at komunidad ang paghahanda sa kalamidad sa pamamagitan ng paggawa ng emergency plans, paghahanda ng go bags, at aktibong pakikibahagi sa mga earthquake drill at disaster preparedness activities.
Habang nagpapatuloy ang rehabilitation at recovery efforts, patuloy ding naghahanda ang national government para sa posibleng pagyanig na dulot ng tinatawag na “The Big One” na maaaring tumama sa rehiyon.


Nanawagan din siya sa publiko na manatiling alerto at huwag magpakampante, dahil walang sinuman ang makapagsasabi kung kailan maaaring tumama ang susunod na malakas na lindol.