-- ADVERTISEMENT --

Handang tumalima ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa inilabas na writ of summons ng Senado na nagsisilbing impeachment court kaugnay ng kinahaharap nitong impeachment proceedings.

Ayon kay Michael Poa, nakahanda silang sumunod sa itinakdang proseso ng impeachment court at magsusumite ng kaukulang tugon alinsunod sa umiiral na probisyon ng Konstitusyon.

Dagdag pa ni Poa, nirerespeto ng kampo ng Bise Presidente ang kasalukuyang proseso kaya’t hindi na muna sila nagbigay ng iba pang detalye o komento hinggil sa usapin.

Matatandaang binigyan ng Senado bilang impeachment court ng 10 araw ang Bise Presidente upang magsumite ng sagot oras na matanggap nito ang writ of summons.