-- ADVERTISEMENT --

Inaresto ng mga awtoridad si Andrew Mountbatten-Windsor, na mas kilala noon bilang Prince Andrew, dahil sa hinalang misconduct in public office.

Ayon sa ulat, nagtungo ang Thames Valley Police sa Sandringham Estate sa Norfolk, England, kung saan naninirahan ang kapatid ni King Charles III, upang isagawa ang pag-aresto.

Iniimbestigahan si Mountbatten-Windsor kaugnay ng umano’y pagbibigay ng mga kumpidensyal na dokumento sa yumaong sex offender na si Jeffrey Epstein.

Nagkataon na isinagawa ang pag-aresto sa araw ng kanyang ika-66 na kaarawan.

Mariin namang itinanggi ni Mountbatten-Windsor ang mga paratang laban sa kanya.