-- ADVERTISEMENT --

Mahigit apat na kilo ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P512,880 ang nasabat ng mga awtoridad mula sa isang parsela sa delivery hub sa Barangay Bulanit, Labangan, Zamboanga del Sur noong Oktubre 31, 2026.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 9, nasa 4.274 kilo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang hinihinalang marijuana na nakabalot sa apat na bloke ng pinatuyong dahon.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng PDEA katuwang ang Special Enforcement Service K9 Unit matapos inspeksiyunin ang nasabing parsela.

Walang naitalang pag-aresto sa operasyon habang patuloy na tinutukoy ng mga awtoridad ang sender, recipient at iba pang posibleng sangkot sa pagpapadala ng ipinagbabawal na droga.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng shipment at mapanagot ang mga responsable.