-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Dumulog at humihingi ng tulong ang asawa ng isang OFW sa himpilan ng Bombo Radyo Koronadal dahil umano sa pagmamaltrato ng amo nito sakanyang asawa na nasa Saudi Arabia.

Kinilala ang OFW na si Agnes Gilbero Maquiling na tubong probinsya ng Maguindanao.

Ayon kay Rogelio Maquiling asawa ng nasabing OFW, humingi na siya ng tulong sa agency ng kaniyang asawa at maging sa ahensya ng OWWA ngunit taliwas umano ang sinabi at pinakita ng employer ng kaniyang asawa sa mga ito.

Nalaman na halos hindi na umano pinapakain ang asawa nito at palaging sinasaktan ng kaniyang amo dahilan na nagmamakaawa na itong umuwi sa Pilipinas.

Nanawagan naman ito sa gobyerno na tulungan sila at ma aksyonan ang kanilang problema upang hindi na dumami pa ang mga na-aapi na OFW na nagtratrabaho sa ibang ibansa upang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya nito.