-- ADVERTISEMENT --

Hindi na kailangang sumabak sa opening round si Filipina tennis star Alexandra Eala matapos siyang mabigyan ng first-round bye sa Singapore Open.

Apat lamang ang seeded players sa torneo kaya awtomatikong umabante si Eala sa second round o Round of 16. Makakaharap niya roon ang mananalo sa unang-round match nina Tatiana Prozorova ng Russia at Sofia Costoulas ng Belgium.

Nakatakdang idaos ang Singapore Open mula Setyembre 21 hanggang 27, at magiging bahagi ito ng kasaysayan bilang kauna-unahang WTA 500 tournament sa Southeast Asia.

Pagkatapos ng Singapore Open, lilipat naman ang atensyon ni Eala sa Aichi-Nagoya, Japan, kung saan muli niyang kakatawanin ang Pilipinas sa 2026 Asian Games.