-- ADVERTISEMENT --

Ipinagpaliban ni Pope Leo XIV ang nakatakda niyang pagbisita sa Assisi, Italy sa susunod na linggo upang bigyang-priyoridad ang kaniyang paggaling mula sa nagdaang operasyon sa baga.

Ayon sa Vatican, pinayuhan ng kaniyang mga doktor ang Santo Papa na huwag munang bumiyahe, sa kabila ng magandang resulta ng follow-up chest X-ray na nagpapakitang maayos ang kaniyang paggaling.

Dapat sanang dumalo ang Santo Papa sa pagtitipong may temang “Disarmed and Disarming Peace” sa darating na Martes, bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng World Day of Prayer for Peace na pinasimulan ni St. John Paul II. Sa halip, magpapadala na lamang siya ng mensahe para sa mga kalahok.

Samantala, nakatakda namang bumisita si Pope Leo XIV sa Uruguay, Argentina at Peru sa Nobyembre bilang bahagi ng kaniyang papal visit sa Latin America.