-- ADVERTISEMENT --

Umakyat na sa 53 ang bilang ng mga nasawi at nasa 200 naman ang sugatan matapos atakehin ng Houthi rebels gamit ang ballistic missiles ang al-AIam military camp sa Shabwa governorate, katimugang Yemen, nitong Lunes.

Ayon sa mga lokal na awtoridad, tatlong ballistic missile ang pinakawalan sa kampo habang nagsasanay ang mga bagong recruit ng puwersang panseguridad. Karamihan sa mga nasawi ay mga bagong miyembro ng security forces.

Kinondena ni Rashad al-Alimi, pinuno ng Presidential Leadership Council ng Yemen, ang pag-atake at nangakong magbibigay ng matatag na tugon laban sa mga responsable.

Inako naman ng Houthi rebels ang responsibilidad sa insidente, iginiit na kampo ng militar na suportado ng Saudi Arabia ang kanilang target.

Naganap ang pag-atake sa gitna ng patuloy na tensiyon at labanan sa Yemen sa pagitan ng puwersa ng pamahalaang suportado ng Saudi Arabia at ng Houthi rebels na suportado ng Iran.