-- ADVERTISEMENT --

Posibleng tumaas ng ₱2 hanggang ₱2.50 kada litro ang presyo ng diesel at ₱1 hanggang ₱1.50 naman sa kerosene sa susunod na linggo. Samantala, inaasahang bababa ng ₱1 hanggang ₱1.50 kada litro ang presyo ng gasolina, batay sa paunang pagtaya ng mga source mula sa oil industry.

Iniuugnay ang posibleng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado ng langis, kabilang ang mga pag-atake ng grupong Houthi sa imprastraktura ng Saudi Arabia at mga barko sa Gulf na nakaaapekto sa suplay ng langis.

Nakatakdang ilabas ng Department of Energy (DOE) sa Lunes, Oktubre 26, ang pinal na anunsyo hinggil sa inaasahang pagbabago ng presyo. Posibleng ipatupad ng mga kumpanya ng langis ang bagong presyo sa Martes, Oktubre 27.

Gayunman, maaari pang magbago ang mga pagtataya habang hinihintay ang opisyal na anunsyo ng DOE.