-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Agosto 19, na susuportahan niya ang panukalang batas na nagbabawal sa mga menor de edad na mag-register sa mga social media platform.

Sa kanyang pagbisita sa mga biktima ng kamakailang pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga City, iginiit ni Duterte na sa halip na isa-isang bantayan ang milyun-milyong kabataan, dapat ipagutos sa mga kumpanya o provider ng social media na pigilan ang paggawa ng mga account ng mga bata.

Aniya, ang mismong mga platform ang dapat pagbawalan na tumanggap ng pagpaparehistro mula sa mga menor de edad.