-- ADVERTISEMENT --

Nasawi ang isang alkalde sa Mexico matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang nasa loob ng gusali ng munisipyo.

Kinilala ang biktima na si Mayor Valentin Lavin ng bayan ng Temorac. Ayon sa mga ulat, bigla na lamang siyang pinagbabaril habang nasa kanyang tanggapan.

Agad na isinugod sa pagamutan ang alkalde, ngunit idineklara rin siyang dead on arrival dahil sa tinamong mga tama ng bala.

Si Lavin ay kaalyado ni Mexican President Claudia Sheinbaum at kabilang sa kanyang leftist political party. Matatandaang nakaligtas na rin siya sa isang assassination attempt noong Enero.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin sa pamamaril.