-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad matapos matagpuang patay ang isang 2-anyos na batang babae sa isang lining canal sa Purok Green, Barangay Poblacion, Tampakan, South Cotabato.

Batay sa paunang impormasyon, pinaniniwalaang naanod ang bata mula sa Barangay Liberty bago natagpuan ang kanyang bangkay sa naturang lugar.

Ayon sa Tampakan Rescue Team, agad na rumesponde ang kanilang mga tauhan matapos makatanggap ng ulat tungkol sa insidente.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng bata at ang buong pangyayari sa insidente.