Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nalagdaan na niya ang dismissal order laban kay suspendidong dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.
Ayon kay Remulla, nakumpleto na ang paglagda sa kautusan at inaasahang ilalabas ito anumang oras.
Si Aplasca ay una nang isinailalim sa anim na buwang preventive suspension without pay kaugnay ng kontrobersiyal na insidente ng pamamaril sa loob ng Senado noong gabi ng Mayo 13, 2026. Iniuugnay ang naturang insidente sa umano’y diversion na nagbigay-daan sa pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sinabi rin ng Ombudsman na kailangang tanggapin ng dating 2-Star General ang dismissal order alinsunod sa kapangyarihan ng Office of the Ombudsman na magpatupad ng mga desisyong administratibo, kabilang ang dismissal sa serbisyo.













