-- ADVERTISEMENT --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi na umabot na ngayon sa animnapu’t walo (68) matapos ang mapaminsalang magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Mindanao!

Sa nasabing bilang labing-isa (11) ang mula sa Region 11 o Davao Region habang 57 mula sa Region 12 o Soccskargen.

Maliban dito kinumpirma din ni Diego Mariano, Information Officer ng Office of the Civil Defense na nasa tatlumpu’t tatlo (33) pang indibidwal ang nananatiling nawawala at kasalukuyang sumasailalim sa malawakang search and retrieval operations sa ilalim ng mga guho.

Sumipa nanam sa mahigit 1.8 milyong indibidwal o humigit-kumulang 161,000 pamilya ang direktang hinagupit ng kalamidad.
Naasa mahigit 14,200 katao ang nananatili sa loob ng 37 evacuation centers, habang humigit-kumulang 57,000 displaced individuals naman ang nakikitira muna sa labas ng mga evacuation site.

Samantala wasak din ang halos 70,000 kabahayan kung saan ang kabuuang halaga ng danyos sa mga kalsada, tulay, at gusali ay pumalo na sa ₱1.07 bilyon hanggang ₱1.13 bilyon.

Sa gitna ng krisis, pinalakas ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang paghahatid ng tulong.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, umabot na sa ₱192.8 milyong piso ang kabuuang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi na sa mga apektadong komunidad!