Dead on Arrival ang isang lalaki sa South Cotabato Provincial Hospital matapos malunod sa bahagi ng NIA line canal sa Purok Sto. Niño, Brgy. Saravia sa syudad ng Koronadal kahapon ng Miyerkules Mayo 13, 2026.
Kinilala ang biktima sa kay Roger Samblan, 4O- anyos at residente ng nasabing barangay.
Batay sa naging imbestigasyon, naliligo ang biktima kasama nito ang dalawang kaibigan ngunit naiwan umano ito pagkatapos umuwi ang dalawang kasamahan. Sa kasamaang palad nalunod ang nasabing biktima dahil sa lalim lang tubig at walang may nakakita upang tumulong.
Sa ngayon, labis na naghihinagpis ang mga pamilya ng biktima dahil sa pagkamatay nito at patuloy naman ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na maging ma ingat kung maliligo sa mga ilog upang ma iwasan ang anumang insidente.











