Nagpahiwatig ng pagtutol ang ilang miyembro ng Senate minority bloc sa posibilidad ng impeachment laban kay Sara Duterte, sakaling umusad ito mula sa Kamara de Representantes.
Ayon kay Robin Padilla, tututol ang minority bloc sa pag-convene ngc bilang bahagi ng kanilang tungkulin sa ilalim ng parliamentary procedure. Ipinaliwanag niyang natural sa minority ang mag-oposisyon, kahit pa inaasahang manumpa ang mga senador bilang mga hukom sa proseso. Gayunpaman, sinabi niyang naghahanda na rin siya sakaling maupo bilang senator-judge.
Kaisa rin sa pagdududa si Jinggoy Estrada, na nagsabing hindi niya sinusuportahan ang impeachment sa gitna ng iba pang kinakaharap na problema ng bansa. Pero nilinaw niyang pagbabatayan pa rin niya ang ebidensya kung matutuloy ang paglilitis.
Samantala, tiniyak ni Alan Peter Cayetano na susunod ang minority bloc sa mga umiiral na patakaran sa oras na magsimula ang proseso.
Ayon naman kay Vicente Sotto III, maaaring i-convene ang impeachment court sa sandaling matanggap ng Senado ang articles of impeachment. Gayunman, ang aktwal na paglilitis ay isasagawa pa sa tamang panahon, alinsunod sa itinakda ng Konstitusyon.













