-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay US President Donald Trump, nakatakdang magtapos ang ceasefire sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa gabi ng Miyerkules, Abril 22 (oras sa Washington).

Sinabi rin ni Trump na mababa ang posibilidad na palawigin pa ang tigil-putukan kung walang makakamit na kasunduan sa pagitan ng dalawang panig. Aniya, posibleng muling sumiklab ang labanan kung mabibigo ang ikalawang yugto ng negosasyon.

Sa gitna nito, inaasahang lilipad patungong Pakistan ngayong Martes si US Vice President JD Vance kasama ang ilang matataas na opisyal ng Estados Unidos bilang paghahanda sa posibleng ikalawang round ng pag-uusap.

Samantala, nagpahayag ng kumpiyansa si Trump na makikilahok pa rin ang Iran sa mga negosasyon, kahit na nauna nang tumanggi ang Tehran at iginiit na wala pang mangyayaring usapan sa kasalukuyan.