-- ADVERTISEMENT --

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang paglunsad ng Learning Continuity Space (LCS) at YAKAP at Kalinga Caravan sa Bogo City, Cebu, bilang hakbang upang masiguro ang patuloy na edukasyon matapos ang mapangwasak na lindol noong nakaraang taon.

Ginanap ang aktibidad sa Marcelo B. Fernan-Polambato Elementary School, na may layunin na maghatag ng direktang suporta sa edukasyon at magbigay ng mga pangunahing serbisyong medikal para sa mga estudyante, guro, at residente ng komunidad.

Bilang karagdagan, nagbigay ang Office of the President ng mga internet kits, 181 school bags para sa mga estudyante ng Kindergarten at Grade 1, at 800 packed goods para sa mga dumalo sa kaganapan.

Matatandaan na niyanig ang lugar ng magnitude 6.9 na lindol noong Setyembre 2025, na nagresulta sa pagpanaw ng maraming tao. Pagkatapos ng trahedya, personal na binisita ng Pangulo ang mga biktima upang malaman ang kanilang sitwasyon at pangangailangan.