-- ADVERTISEMENT --
Nabuo ang isang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.
Ayon sa ulat ng state weather bureau, namuo ang LPA sa silangan ng Mindanao, partikular sa bahagi ng Pacific Ocean. Huli itong namataan sa layong 1,695 kilometro sa silangan ng Southern Mindanao at inaasahang patuloy na lalakas.
May posibilidad na maging isang tropical depression ito sa loob ng 24 oras, ngunit wala pang kasiguruhan kung tuluyan itong papasok sa PAR at makakaapekto sa kalupaan ng bansa.
Patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang galaw ng LPA, at inaasahan na magbibigay sila ng karagdagang updates kaugnay ng posibleng epekto nito sa bansa.













