-- ADVERTISEMENT --
Inaksyunan na ng Department of Transportation (DOTr) ang reklamo ng mga pasahero ukol sa pagkakaroon ng insekto sa mga upuan ng MRT-3.
Ayon sa DOTr, ipinaabot na nila ang usapin sa pamunuan ng MRT-3, at tiniyak ng mga ito na magsasagawa ng agarang paglilinis upang matiyak ang kalinisan ng mga bagon.
Magugunitang isang pasahero ang nagsabi na nakagat siya ng insekto habang nakahawak sa bahagi ng upuan.













