Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki at dalawang babae na drug suspects sa isang buy-ust operation sa Purok masikap, Brgy. Pagalungan, Polomolok, South Cotabato nitong Martes, Pebrero 18, 2025.
Kinilala ang mga nahuli na sina alyas “Brian”, alyas “Haze”, alyas “Lyka”, na kapwa residente ng Brgy. Poblacion, Polomolok, South Cotabato.
Nabisto ang mga suspek ikinasang anti-illegal drug operation ng mga tauhan ng Polomolok Municipal Police katuwang ang mga tauhan ng South Cotabato Police Drug Enforcement Unit at South Cotabato Provincial Intelligence Unit.
Narekober sa mga suspek ang tatlong selyadong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at iba pang non-drug item.
Mahaharap ang tatlo sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.