-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Naaresto ang isang mangingisdang tinaguriang rank 10 regional most wanted person sa kasong murder sa ikinasang warrant of arrest operation ng mga otoridad sa Brgy. Nalilidan, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Kinilala ni PMAJ Rodney Binoya, hepe ng Kalamansig MPS ang naaresto na si alyas “Kulot” 26-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Ayon kay PMAJ Binoya nahuli ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng mga Kalamansig MPS, kasama ang SKPMFC, SKPIU, SKPDEU at RID 12 Tracker Team Delta sa bisa ng warrant of arrest sa asong murder with criminal case number 24-8073-K.

Nasa kustodiya na ng Kalamansig MPS ang naaresto para sa tamang disposisyon.

Nananawagan naman ang Kalamansig PNP na sumuko na sa mga awtoridad ang mga taong may nakabinbin na kaso at harapin ang batas. Patuloy na magsasagawa ng mga operasyon ang mga kapulisan para sa mas maayos at ligtas na komunidad sapagkat ang gusto ng pulis ay ligtas tayong lahat.