Boluntorayong sumuko ang isang diskontentadong miyembro ng Guerilla Font-MUSA ng Far South Mindanao Region sa ating kapulisan sa 2nd South Cotabato PMFC sa Brgy Centrala, Surallah, South Cotabato kahapon lang Agosto 13, 2024.
Sa ginawang pagsuko ng dating miyembro ng NPA na kinilalang si alyas Rekrek ay bukas palad siyang tinanggap ng Force Commander ng 2nd South Cotabato PMFC na si PMAJ Roel Vergel G Parreno, kung saan tinurn-over rin ng Former Rebel ang kanyang mga armas na kinabibilalangan ng isang at isang yunit ng rifle grenade, isang yunit ng homemade Cal 5.56 revolver.
Sa kabila nito, tiniyak ni PMaj Parenno na tutukan nila ang pagbabagong buhay ng sumukong NPA at ilalapit sa mga nakalaang programa ng pamahalaan para tuluyan ng makapamuhay ng payapa kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay.
Sa katunayan, agad na pinagkalooban ng 2nd South Cotabato PMFC ang Former Rebel na cash assistance at bigas bilang paunang tulong na kanyang matatanggap mula sa hanay ng kapulisan.
Dagdag pa rito, si Rekrek ay nagpasyang tanggapin ang mga programang nakapaloob sa mga kampanya at programa ng gobyerno sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC at Enhanced-Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP para sa kanyang kapakanan at ng kanyang mga mahal sa buhay.