-- ADVERTISEMENT --

Kumpirmado nang ang mga labi nina Geneva Lopez at ng kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen ang nahukay ng mga awtoridad sa isang quarry site sa Barangay Sta. Lucia sa Capas, Tarlac ngayong umaga ng July 6, 2024.

Ito ang inihayag ni Governor Delta Pineda sa kanyang official Facebook account ilang oras matapos mahukay ang dalawang bangkay.

Ayon sa post ni Governor Delta, “Malungkot ko po na ibinabalita sa inyo na natagpuan na ang mga bangkay ng kabalen natin na si Geneva Lopez at ang kanyang kasintahan na si Yitshak Cohen sa isang lugar sa Sta. Lucia sa Capas, Tarlac pagkatapos silang mawala ng dalawang Linggo.

“Kinumpirma po ito ng pulis base sa kasuotan at gamit ng mga biktima.

“Ipagdasal po natin ang kanilang kaluluwa. Nakikiramay po ako sa mga pamilya.

“Patuloy po akong tutulong sa paghahanap ng hustisya para kay Geneva at Yitshak.”

Matatandaang nag-alok si Governor Delta at si Vice Governor Lilia Pineda ng isang milyong pisong pabuya sa lehitimong makapagbibigay ng impormasyon sa nawawalang magkasintahan.

Bumuhos naman ang pagpapaabot ng pakikiramay at panalangin sa pamilya ng magkasintahan.