-- ADVERTISEMENT --

Walong testigo ang planong iharap ng prosekusyon sa bail hearing ni Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng plunder case na may kinalaman sa umano’y hindi pagdedeklara ng P75 milyong campaign donations noong 2025 elections.

Ito ay matapos tanungin ni Sandiganbayan Third Division Chairperson Associate Justice Karl Miranda ang prosekusyon kung ilan ang kanilang ihaharap na testigo sa hearing na nakatakda sa Setyembre 3.

Una nang sinabi ng prosecutors na nais nilang iharap ang lahat ng 12 testigong nakalista para sa trial proper. Gayunman, naging walo na lamang ang bilang matapos pumayag ang kampo ni Marcoleta na i-stipulate na public official na siya nang matanggap ang campaign donations.

Samantala, itinakda sa Oktubre 1 ang target na huling araw ng bail hearing ni Marcoleta at ng tatlo niyang kapwa akusado.