-- ADVERTISEMENT --

Suportado ng Department of Budget and Management (DBM) ang planong gawing bukas sa publiko at i-livestream ang deliberasyon ng bicameral conference committee para sa panukalang P7.2 trilyong national budget para sa 2027.

Ayon kay Budget Acting Secretary Kim de Leon, may mga talakayan na hinggil sa pagbubukas ng bicam proceedings sa publiko habang nagpapatuloy ang pagtalakay ng Kongreso sa panukalang pondo.

Aniya, makatutulong ang livestreaming upang mas maunawaan ng publiko kung paano ginagamit ang pera ng mga taxpayer, habang napapalakas din ang transparency, accountability at tiwala sa pamahalaan.

Kung matutuloy, magiging ikalawang pagkakataon ito na i-livestream ang bicam deliberations. Una itong isinagawa noong Disyembre 2025 sa pagtalakay sa 2026 national budget.

Sa bicameral conference committee, pinagkakasundo ng Senado at House of Representatives ang magkaibang bersyon ng budget bill bago ito tuluyang maaprubahan.