-- ADVERTISEMENT --

Nasawi ang isang French peacekeeper habang tatlo pa ang nasugatan sa isang pag-atake sa southern Lebanon, ayon sa mga ulat.

Ang mga biktima ay bahagi ng United Nations Interim Force in Lebanon (UNIFIL) nang mangyari ang insidente, kung saan dalawa sa mga sugatan ang nasa kritikal na kondisyon.

Itinuro ni Emmanuel Macron ang grupong Hezbollah bilang responsable sa pag-atake, at nanawagan sa pamahalaan ng Lebanon na agad arestuhin ang mga sangkot.

Ang insidente ay naganap sa kabila ng umiiral na 10-araw na ceasefire sa pagitan ng Lebanon at Israel na nagsimula noong Abril 16.