-- ADVERTISEMENT --
Nagbigay si Donald Trump, Pangulo ng United States, ng hanggang sampung araw para magpasya ang Iran kaugnay ng panawagan ng Amerika na makipagkasundo.
Sa isinagawang pulong ng kanyang binuong “Board of Peace,” iginiit ni Trump na mahalagang makipagkasundo ang Iran upang maiwasan ang paglala ng tensyon. Binigyang-diin din niya na kung magmamatigas ang Iran at tatangging makipag-ayos, posibleng magkaroon ng hindi kanais-nais na pangyayari.
Matatandaang iniulat na inihahanda na ng militar ng Estados Unidos ang kanilang mga warship malapit sa teritoryo ng Iran, at sinabing handa itong magsagawa ng aksyon anumang oras kaugnay ng isyu sa umano’y pagpapatuloy ng Iran sa pagde-develop ng nuclear weapons.













