-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag ng pagkabahala si Senate Committee on Youth and Committee on Sports Chairman Senador Bong Go sa lumalawak na impluwensya ng social media sa pag-uugali at personalidad ng mga kabataang Pilipino.

Sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes kaugnay ng pamamaril sa Zamboanga City na ikinasawi ng ilang mag-aaral, sinabi ni Go na hindi dapat ipagsawalang-bahala ang epekto ng labis na paggamit ng gadgets at social media sa kabataan.

Iginiit niya ang pangangailangang hikayatin ang mga kabataan na magkaroon ng mas aktibong lifestyle, kabilang ang regular na physical fitness at sports, bilang paraan upang mapanatili ang kanilang mental health at mabawasan ang negatibong epekto ng sobrang screen time.

Ayon kay Go, mahalagang magtulungan ang mga magulang at mambabatas sa paggabay sa kabataan upang matiyak ang mas ligtas at positibong kapaligiran para sa susunod na henerasyon.