-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ng Department of Agriculture na hindi agad mararamdaman sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Arnel de Mesa, ang oil price rollback ay mas makakatulong lamang upang mapigilan ang posibleng pagtaas ng presyo, kaysa magdulot ng agarang pagbaba ng halaga ng mga bilihin.

Dagdag pa niya, nananatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing produkto dahil sa sapat na suplay ng mga imported na agricultural goods. Malaki rin ang papel ng mga cold storage facility ng ahensya, na kasalukuyang puno, sa pagpapanatiling kontrolado ang suplay at presyo sa merkado.

Sa kabuuan, ang kombinasyon ng sapat na imbentaryo at maayos na pamamahala ng suplay ang pangunahing dahilan kung bakit nananatiling stable ang presyo ng mga bilihin sa kabila ng galaw sa presyo ng langis.