KORONADAL CITY– Arestado ang isang pugante sa bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat matapos itong dumalo sa fiesta sa naturang lugar.
Kinumpirma ni South Cotabato Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas na namataan ang pugante na kinilalang si Ryan Haidin na nakapuga sa South Cotabato Provincial Detention and Rehabilitation facility taong 2015.
Ayon kay Lanzaderas, nakitang paggala gala sa bayan ng Lutayan si Haidin ngunit hindi ito inaaresto dahil hindi alam na pugante.
Agad naman nakipag-ugnayan ang Provincial Jail sa Lutayan PNP at isinagawa ang operasyon kung saan nakuha pa sa posisyon nito ang isang granada habang dumadalo sa mga aktibidad sa kapiyestahan.
Napag-alaman na ang dating kaso nito ay may kaugnayan sa iligal na droga at ngayon muli na naman mahaharap sa kason illegal posession of explosives.
Una rito, nagpalabas na noon ng P50,000 na reward money laban sa preso matapos ang kanyang pagtakas.





