-- ADVERTISEMENT --

Planong simulan ng Philippine National Oil Company (PNOC) sa 2027 ang pag-iimbak ng malaking suplay ng petrolyo para sa government strategic petroleum reserve ng bansa.

Ayon kay PNOC President at CEO Chikoy Alvarez sa House Appropriations Committee hearing, itatayo sa Bataan ang government-owned strategic petroleum reserve na magiging tank farm na pag-aari ng PNOC at ng pamahalaan.

Sa unang plano, magkakaroon ito ng kapasidad na 1 milyong bariles ng petrolyo, na maaari pang palawakin sa 15 milyong bariles o higit pa.

Bukod sa government reserve, bukas din ang PNOC sa pakikipagtulungan sa mga pribadong kumpanya, basta’t mapapanatili ang sapat na reserbang petrolyo ng pamahalaan.