-- ADVERTISEMENT --
Asahan ang panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE), base sa pagtataya sa nakalipas na apat na araw, maaaring tumaas ang presyo ng gasolina ng hanggang P0.95 kada litro.
Ang diesel naman ay posibleng tumaas ng hanggang P0.10 kada litro, habang ang kerosene ay maaaring tumaas ng hanggang P0.25 kada litro.
Isa sa mga dahilan ng DOE sa pagtaas ng presyo ay ang kasalukuyang geopolitical tension sa Iran.
Malalaman sa darating na Lunes ang eksaktong taas ng presyo, na karaniwang ipinatutupad tuwing Martes.













