Nasa advanced talks na ang kampo ni eight-division world champion Manny Pacquiao para sa potensyal na laban kay undefeated four-division world champion Shakur Stevenson bago matapos ang 2026
Pinag-aaralan pa ng magkabilang panig ang mahahalagang detalye ng laban, kabilang ang eksaktong weight class na paglalabanan, ayon sa MP Promotions.
Nais umano ng kampo ni Pacquiao na magkaroon siya ng ibang laban ngayong taon matapos ma-postpone at ilipat sa Enero 2027 ang planong rematch niya kay Floyd Mayweather Jr.
Kung matutuloy, magiging malaking paghaharap ito sa pagitan ng 47-anyos na beteranong si Pacquiao at 29-anyos na undefeated American boxer na si Stevenson, na kilala sa bilis, footwork at depensa.
Wala pa mang pormal na kontrata, patuloy ang negosasyon para maisara ang potensyal na laban bago matapos ang taon.













