-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nakatakdang i-turnover ng Koronadal PNP ang itinuturing na number one most wanted ng Parañaque City matapos mahuli ito sa isinagawang manhunt operation sa Sitio Kogonal, Brgy Topland, lungsod ng Koronadal.

Kinilala ang nasabing suspek na si Rocky Gallego Dela Fuente, 41 anyos, may asawa at residente ng Brgy Mambog, Bacoor, Cavite.

Nahuli si Fuente sa pamamagitan ng warrant of arrest ng Koronadal City PNP noong Oktubre 2, 2018 sa pakikipagtulungan ng Paranaque PNP sa kasong murder.

Nabatid na naaresto ito sa Cavite dahil sa grave threat at extortion, at lumipat sa Paranaque kung saan pinatay at ninakawan ang kaniyang amo bago ang kaniyang pagpunta at muling pagkakaaresto nito dito sa lungsod ng Koronadal.